Saturday, January 21, 2012

Chapter 1: Suntok Sa Buwan

**Suntok Sa Buwan**

makulit, bungisngis, astig yan si Vanessa Tiongson... 23 years old, tubong cavite at may taas na 5'3... bilugan ang katawan (malusog na dibdib at maumbok na pang-upo) bilugan din ang kanya'ng mukha... singkit ang mga mata, maliit ang ilong, mapula at medyo pouted ang lips at may dimple sa magkabilang pisngi... may maputi at pantay-pantay na ngipin (conscious kasi siya sa ngipin niya, kaya talagang alaga niya ito)... pino at makinis ang kanyang kutis kahit hindi siya kaputian, minana daw niya sa kanya'ng half chinese na ama na basta na lang iniwan ang kanyang ina, matapos itong buntisin... okay na sana ang itsura niya, ang ikina-iinis lang niya ay ang kulot niyang buhok na lagpas balikat... madalas kasi siyang asarin ng mga kakilala at kaibigan niya na "basta kulot, salot"... dinu-dugtungan na lang niya ng "cute naman", pero talagang bad-trip siya sa buhok niya... inggit na inggit nga siya sa mahaba at tuwid na buhok, tulad sa commercial ng shampoo... labandera lang ang kanyang nanay, kaya high school graduate lang siya... gustuhin man niyang mag-college, wala na silang pantustos, kaya sa pabrika ang bagsak niya... mula nang mag-trabaho siya sa garments factory, 3 years ago, pinatigil na niya ang nanay niya sa paglalaba, maliit na sari-sari store na lang ang libangan nito... simple lang ang buhay nila, pero hindi isang simple'ng lalaki lang ang pangarap ni Vanessa... ang gusto niya sa lalaki, eh ung matangkad, gwapo, mayaman at propesyunal... kaya wala siyang balak na sagutin isa man sa mga manliligaw niya, kasi wala sa mga ito ang "ideal guy" niya... alam niyang suntok sa buwan na magka-interess sa kanya ang lalaki'ng may ganoong katangian... but, who know's?! hanggang may buhay, may pag-asa, ika nga...

seryoso, mabait, hindi matapobre, pero may pagka-suplado... yan si Brent Alexander Gonzalga, 29 years old, tubong laguna, pero lumaki sa america... isang magaling na architect slash engineer at may sarili'ng engineering firm... may taas na 6'1, lean body, spanish ang feature kaya gwapo at balbon, makapal ang buhok, malagong kilay at malantik na pilik mata... may kaputian din ang kanyang skin tone, mestiso'ng kastila kasi ang nasira niya'ng lolo... kaya talaga'ng kaganda'ng lahi nitong hunk natin... kaya lang engaged to be married na siya kay Patricia Fritz, isang half australian at half filipina ramp model...

Nenita: ay kalabaw!!! ano ba Vanessa, pag natusok ako ng karayom, uunatin ko yang buhok mo... (kaibigan at co-worker ni Vanessa)

Vanessa: adik ka ba?! break time na, nananahi ka pa dyan... (salubong ang kilay na wika ni kulot)...

Nenita: marami akong iri-repair... pag nakita ito ni kurimaw (tawag nila sa amo nilang koreano) baka ma-suspende na naman ako...

Vanessa: kain na tayo, tomguts na ako... tulungan na lang kita dyan after natin kumain...


~ 5:00 PM ~

Vanessa: nitz, tara na... marathon na naman ito sa pagsakay sa jeep...

Nenita: ay sorry ness, nandito si rodel... manonood kami ng sine... mag-boyfriend ka na rin kasi para may susundo na rin sayo...

Vanessa: hmmp!!! hindi ako magbo-boyfriend kung hindi rin lang yung ideal guy ko!!!

Nenita: hay naku, kulot... tatanda kang dalaga pag hinintay mo yung ideal guy mo...

Vanessa: ah basta, magkikita rin kami ng man of my dreams ko... sige na, dyan na kayo, goodluck sa date...


~ 6:00 PM ~
Vanessa: anak ng tokwa naman!!! bakit walang bakante'ng jeep!!! (asar na bulong ni Kulot)...


~ 6:15 ~
Vanessa: anak ng tipaklong, umulan pa!!! wala pa naman akong dalang payong!!! (nagkukukot ang loob ni Kulot, nang biglang SKREEEEEETCH)... anak ng patuka sa manok!!! pag-sinu-swerte ka nga naman oo!!! basa na nga ng ulan, pinaliguan pa ako ng putik nung kulugong driver ng kotse na yun...

Vanessa: hoy!!! bumaba ka dito... (sigae ni Vanessa, unti-unting bumaba ang salamin sa bintana ng kotse sa passenger side)...

Lalaki: miss, sakay ka na lang... hindi ako pwedeng mabasa, may appointment pa ako...

Vanessa: ano ka hilo?! sino ka para pagkatiwalaan ko?! baka mamaya rapist ka pa at kung saan mo ako dalhin!!!

Lalaki: bahala ka kung ayaw mo!!! (at isinara na ng lalaki ang salamin sa bintana ng kotse, kinatok ni Vanessa ang bintana)...

Vanessa: hoy, ang lakas ng ulan, wala ka bang puso, atay, balun-balunan?! (kalampang ni Kulot sa bintana, binuksan ng lalaki ang pinto sa passenger side at nagdudumaling lumulan dito si Vanessa na nanunulis ang nguso)...

Lalaki: sasakay ka rin pala, nag-hysterical ka pa!!!

Vanessa: (napalingon siya sa lalaki na noo'y nakatutok ang paningin sa kalsada) "wow, ang gwapo pala ng kumag na ito"... (sa isip-isip niya na parang kinikilig)...

Lalaki: hmm, your staring at me uh?!

Vanessa: what?! in your dreams!!! (piksi ni Kulot na pinamulahan ng mukha)...
 
Lalaki: ows?! really?! then, why your blushing?! (panunudyo ng lalaki)...
 
Vanessa: hindi noh?! namumula lang talaga ang mukha ko, pag may aircon!!! (palusot ni Kulot, sabay baling ng mata sa may bintana ng kotse)...
 
 
samantala, hindi naman mapigilan ng lalaki na ma-ammuse kay Vanessa... sa singkit nitong mga mata na parang guhit na lang pag umaangil ito... sa makinis nitong mukha na namumula sa tuwing makikipag-usap ito sa kanya... sa mga dimple na lumilitaw, kapag nagsasalita ito... sa mga labi'ng mapupula at mapipintog na parang kay lambot at kay sarap halikan... sa magaganda'ng ngipin na parang model ng toothpaste... napasulyap siya sa basang t-shirt nito, kulay puti ito na may drawing na tweety bird sa harapan... pero hindi sapat si tweety bird, para maitago ang malulusog nito'ng dibdib na natatakpan ng kulay pulang brassiere... napa-isip tuloy siya kung anong kulay ang underwear nito... nasa ganun siyang pagmumuni-muni nang...
 
Vanessa: aha!!! pinagmamasdan mo din ako ha?! kunwari ka pa dyan!!! (gulat sa kanya ni Kulot, nadiinan niya tuloy ng matagal ang busina ng kotse)...
 
Lalaki: parang napa-tingin lang noh?! iba ang napa-tingin kaysa sa pinagmamasdan!!!
 
Vanessa: asus, nagpapalusot ka pa dyan!!! (naka-ingos na sagot ni Vanessa)...
 
iiling-iling na lang na napapa-ngiti ang lalaki...
 
Vanessa: para na, dito na lang ako...
 
Lalaki: ah, dyan na ba ang bahay niyo?!
 
Vanessa: hindi, magta-tricycle pa ako papasok...
 
Lalaki: pwede na kitang ihatid, malayo ba?!
 
Vanessa: hindi na, baka sabihin mo na abusado ako!!!
 
Lalaki: i insist... (matipid na tugon ng lalaki at iniliko na ang sasakyan papasok sa barangay nila Vanessa)...
 
habang daan, wala silang imikan...
 
Vanessa: gara ng tsekot mo ah!!! (basag ni Kulot sa katahimikan)...
 
Lalaki: ah, magara ba?! old style na ito'ng sonata, hiniram ko lang ito sa kumpare ko eh... (pa-humble na wika ni lalaki)...
 
Vanessa: ah, akala ko sayo ito, hiniram mo lang pala... (medyo disappoint na turan niya)... dito na ako, yan yung bahay namin... (turo ni Kulot sa medyo may kalumaang bungalow na minana ng nanay niya sa tatay nito)...
 
hindi na hinintay ni Vanessa na ipagbukas siya ng pinto ng lalaki, bumaba na siya... hindi nakaligtas sa mga mata ng lalaki ang kulay pulang underwear nito, maiksi ang t-shirt nito at medyo low waist ang slacks pants na kulay cream na suot nito... kaya, kitang-kita niya yung garter ng underwear na mataas pa sa waist ng pants nito... at wala siyang napansin na garter line sa bandang pang-upo nito, its only means na naka-t-back ito... pinag-masdan niya ito ng makababa sa kotse, habang nakatalikod "nice behind" isip niya... at biglang niyang ipinilig ang ulo niya "ano ba ito, hindi naman ako maniac para mag-isip na may pagnanasa sa isang babae'ng ngayon ko lang nakita...
 
Vanessa: pasok ka muna, nagkakape ka ba?! (untag ni Kulot na nakapag-pagising sa diwa niya)...
 
Lalaki: ah hindi na, salamat na lang... may appointment pa kasi ako eh... sige miss....?!
 
Vanessa: ahm, Vanessa...
 
Lalaki: im alex, sige bye... (at pinausad na nito ang kotse)...

No comments:

Post a Comment