Saturday, January 21, 2012

Chapter 4: Suntok Sa Buwan

pagdating na pagdating ni Alex sa pad niya, tinawagan agad niya si Vanessa... nagri-ring lang nang nagri-ring, pero wala'ng sumasagot...

Alex: baka tulog na... (naisip niya, kaya tinext na lang niya ito)... "hi bff, sleep ka na ba?! hindi mo kasi sinasagot call ko, just text me if you still awake"... (text niya, message sent)...


pumasok siya sa banyo, para mag-shower... paglabas niya ng banyo, tumunog ang cellphone niya, nagmadali siya'ng kunin ito...

Alex: baka si bff, nag-reply na... (excited na naisip niya)...
 
bigla siya'ng na-desappoint nang makita niya kung sino ang nag-text... si Arnel lang pala, ang kaibigan at assistant niya sa firm...
 
Arnel: Lex, dito na ako manila... what's up?!
 
Alex: okay naman, kita tayo bukas sa office, ako naman ang magba-bakasyon... (reply niya)...
 
Arnel: what?! (reply niya)...
 
hindi na siya nag-reply at nahiga na siya, naka-tulog siya'ng si Vanessa ang laman ng isip...
 
 
**4:30AM**
 
nagising si Alex, inapuhap niya agad ang cellphone niya sa bedside table... para i-check kung nag-text si Vanessa, 4 new message's...
 
Vanessa: hi bff, sorry naka-tulog agad ako kagabi... kaya hindi ako naka-reply, tsaka ubos na load ko, last peso na ito... have a nice day bff... (text niya kay Alex)...
 
the other 3 message's, came from Arnel...
 
tinawagan niya si Vanessa...
 
Vanessa: morning bff... (masigla'ng sagot nito)...
 
Alex: good morning too bff, ano'ng klase load ba ang gusto mo?! (tanong niya, hindi siya gumagamit ng prepaid load, naka-linya ang cellphone niya)...
 
Vanessa: bakit, loloadan mo ako?! (nagbibiro'ng sagot nito)...
 
Alex: oo, ibibili kita ng prepaid card mamaya... (sagot niya)...
 
Vanessa: talaga?! nakaka-hiya naman... wag na bff, magpapa-load na lang ako mamaya para ma-text kita... sige na bff, i need to prepare, may work pa ako eh... (wika niya)...
 
Alex: oh sige bff, ingat ka... (bitin siya sa usap nila, but at least naka-usap niya ito)...
 
habang daan papunta sa office, naghahanap ng prepaid card para kay Vanessa... pumasok siya sa mini-stop at bumili ng 1,000 worth na prepaid card at tinext niya kay Vanessa ang pin#...
 
araw-araw niya'ng pinu-puntahan si Vanessa, lumalabas sila, minsan naman dun lang sila sa bahay ni Vanessa at nagmo-movie marathon... sobra'ng sarap pala'ng kasama ni Kulot, makulit at kalog, madali ring mapikon pero madali namang mapatawa... sobra'ng nagiging close na sila sa isa't-isa, hindi na nga niya kaya'ng hindi makita ito at maka-usap sa loob ng isang araw... sobra'ng nami-miss niya ito, mas nami-miss pa nga niya ito kaysa kay Trish...
 
Arnel: masama na yan pre, tigilan mo na yan hangga't maaga pa... (habang sini-sermunan si Alex, nasa pad at medyo nagsha-shot)...
 
Alex: iba si Vanessa pre, pakiramdam ko para ako'ng mababaliw pag hindi ko siya nakita at naka-usap... i never felt like this before with Trish... (hirap ang loob na wika niya)...
 
Arnel: pano si Trish?! pano ang kasal niyo?! next month darating na siya at 3 months from now, ikakasal na kayo...
 
Alex: hindi ko alam pre, naguguluhan ako... (sagot niya, sabay tungga ng alak)...
 
minsan nag-bar hopping si Alex at Vanessa... pagpasok nila sa bar, ang banda'ng freestyle ang nasa stage...
 
Music Please: bakit ngayon ka lang... bakit ngayon kung kailan ang aking puso'y mayron ng laman... sana'y nalaman ko na darating ka sa buhay ko... hindi sana'y naghintay ako...
 
sapul-sapol si Alex, para'ng sasabog ang dibdib niya...
 
Alex: Ness, labas na tayo... (yaya niya dito)...
 
Vanessa: bakit best, may sakit ka ba?! kakarating lang natin ah?!
 
Alex: may pag-uusapan tayo... (tugon niya na nauna ng tumayo)...
 
sa pad niya dinala si Vanessa, linggo bukas kaya okay lang kahit late na ito maka-uwi... tsaka, ipinag-paalam niya ito kay Aling Josie...
 
Vanessa: kanino'ng bahay ito?!
 
Alex: (bumungtung-hininga muna siya)... sa akin... (sagot niya)...
 
Vanessa: ha?! akala ko mekaniko ka lang?! (takang tanong niya)...
 
Alex: Ness, patawarin mo ako, nagsinungaling ako sayo... (nakayukong wika niya)...
 
Vanessa: ano pa ba ang hindi ko alam?! sabihin mo na lahat para hindi na tayo maglokohan!!!
 
Alex: mayaman ang pamilya ko, may sarili ako'ng Engineering Firm, may bahay kami sa Forbes Park, may bahay ako sa DasmariƱas Village, may Hacienda kami sa Laguna... may bahay din kami sa California at sa Canada, may mga Franchise din kami ng kilala'ng fast food chain dito sa Pilipinas at sa America... ipinamahala na sakin ni Papa ang mga Business dito at ipinangalan na rin sakin lahat ng properties... sina Mama at Papa nasa California, si Ate Belinda nasa Canada, dalawa lang kami'ng mag-kapatid...
 
natulala si Vanessa sa mga naririnig niya, pero hindi siya umiimik, mataman lang siya'ng nakikinig... katahimikan...
 
Alex ulit: ikakasal na rin kami ng girlfriend ko 3 months from now... (parang may bikig sa lalamunan na patuloy niya)...
 
parang dinagukan si Vanessa sa narinig, subalit nagawa pa rin niya'ng mag-salita...
 
Vanessa: congrats best, its gettin late... pwede mo na ba ako'ng ihatid?! (nakayukong komento niya)...
 
Alex: hindi pa ako tapos, may malaki ako'ng problema... (pigil niya kay Vanessa na akmang lalabas na)...
 
Vanessa: ano yun?! (tanong niya at umupo ulit sa couch)...
 
tumabi sa kanya si Alex at hinawakan siya sa kamay...
 
Alex: Ness, makinig kang mabuti... hindi ko sina-sadya, pero sana maintindihan mo ako... (patuloy niya habang hawak niya ang kamay ni Vanessa, lumuhod pa siya sa harapan nito para makita ang mukha nito habang nakayuko)... tignan mo ako Vanessa, tumingin ka sa mga mata ko... (tinignan nga ni Vanessa si Alex at hinawakan siya nito sa pisngi)... Vanessa patawarin mo ako, wag mo'ng isiping sina-samantala kita pero kailangan kong sabihin ito sayo... hindi ko na kaya, parang sasabog na ang dibdib ko... (katahimikan)... Vanessa, mahal kita... (buong puso'ng wika ni Alex habang naka-titig kay Vanessa)...
 
naging mailap ang mga mata ni Vanessa, pagkarinig niya sa sinabi ni Alex, hindi siya maka-tingin ng diretso sa binata... pakiramdam niya anumang oras ay babagsak ang namumuong luha sa kanya'ng mga mata... tumayo siya at tumalikod upang maikubli sa binata ang luha'ng nag-uunahang tumulo mula sa kanya'ng mga mata... akalain ba niya'ng pareho pala sila ng nararamdaman sa isa't-isa, buo'ng akala niya ay imposible'ng magka-interes sa kanya ang isang tulad ni Alex... pero suntok sa buwan pa rin na magkaroon ng katuparan ang kanila'ng nararamdaman, engaged na ang binata at alam niya'ng wala siya ni sa kalingkingan ng Fiance nito na isang ramp model... lalo'ng umagos ang kanya'ng mga luha... samantala'ng si Alex ay tumayo na rin at wala'ng anu-ano ay bigla na lang siya'ng niyakap mula sa likuran...
 
Alex: Ness, galit ka ba?!
 
naramdaman niya ang mainit na hininga nito malapit sa kanya'ng taenga na nagpatayo ng kanya'ng mga balahibo... huminga siya ng malalim...
 
Vanessa: Alex, alam mo'ng hindi tama ito, mas mabuti siguro'ng hindi na muna tayo magkita... (madiing wika ng dalaga)...
 
Alex: pero mahal kita Ness, mahal na mahal... (paanas na wika nito at lalo'ng humigpit ang pagkaka-kayap nito sa dalaga)...
 
Vanessa: tama na Alex, wag mo ako'ng pahirapan please... (patuloy siya sa pagluha)...
 
Alex: mahal mo rin ako, diba?! (punung-puno ng pag-asa na wika ng binata)... diba, Ness?!
 
Vanessa: bakit magbabago ba ang sitwasyon pag sinabi ko'ng mahal kita?! (sumbat niya)... alam natin pareho na wala'ng mangyayari kapag ipinag-patuloy natin ito... pareho lang tayo'ng masasaktan!!! (malakas ang boses na turan ng dalaga at kumalas siya mula sa pagkaka-yakap ni Alex at nagtuloy-tuloy sa pintuan para lumabas)...
 
hinabol naman siya ni Alex bago pa man siya maka-labas at mahigpit na niyakap, this time naka-harap na siya sa binata... hinawakan nito ang kanya'ng baba at dahan-dahang itinaas ang kanya'ng mukha... hinalikan nito ang luha'ng umaagos sa kanya'ng pisngi...
 
pumiksi si Vanessa at pilit na kumakalas sa pagkakayakap ng binata... hindi siya makawala, dahil na-corner siya nito, naramdaman niya'ng naka-sandal na ang likod niya sa dahon ng pinto... lalo'ng dumiin sa kanya ang katawan ng binata, ramdam niya ang init na nagmumula rito, parang bumibigay na siya, pakiramdam niya nanghihina ang kanya'ng mga tuhod... napa-kapit siya sa balikat ni Alex na naging sanhi upang mapa-dikit ang labi niya sa labi nito... nagkatitigan sila at napa-pikit siya ng unti-unting gumalaw ang mga labi ng binata... hindi niya malaman kung ano'ng gagawin niya, patuloy sa ginagawa ang binata... she feels that he gently sucking her lips...
 
omg, ganito pala ang first kiss!!! pakiramdam niya ay nakalutang siya, malambot ang labi ni Alex, mainit at mabango ang hininga nito... naramdaman na lang niya na ginagaya na rin niya ang ginagawa ng binata... they kiss passionately, napa-igtad si Vanessa ng may maramdaman siya'ng matigas na bagay na parang tumutusok sa kanya'ng puson... hindi naman siya inocente para hindi malaman kung ano ito... marahan niya'ng itinulak ang binata, ngunit hindi pa rin siya nito pinapakawalan...
 
Alex: Ness, makinig ka... aayusin ko ito, pero mangako ka sakin na hindi mo ako iiwan... (paki-usap ng binata)...
 
Vanessa: what do you mean?!
 
Alex: pagdating ni Trish, kakausapin ko siya at sasabihin ko'ng i-cancel na lang ang kasal namin... (paliwanag nito)...
 
Vanessa: sa palagay mo, ganun lang kadali yun?! palagay mo, basta na lang siya papayag ng ganun?! (mataas ang tono na wika ng dalaga)...
 
Alex: broadminded si Trish, she could understand... (puno ng pag-asang tugon niya)...
 
Vanessa: ayoko'ng maka-sakit ng iba'ng tao, Alex...
 
Alex: pero lolokohin ko lang siya kung itutuloy namin ang kasal, ngunit may iba na ako'ng mahal... (katwiran ng binata)...
 
Vanessa: kahit na, hindi pa rin ganun kadali yun... (matamlay na wika niya)...
 
Alex: just leave it to me, Ness... just trust me... (pang-aalo niya kay Vanessa)...
 
Vanessa: hatid mo na ako, past midnight na... Oh?!
 
Alex: alam naman ni Nanay Josie na mali-late tayo eh... dont worry... (nakangiti na)... sige, tara na... (akma'ng lalabas na si Vanessa ng pinto, pero pinigilan siya ni Alex at bigla'ng kinabig at siniil ng halik)...
 
Vanessa: (hinampas nito si Alex sa braso, pagkatapos ng maalab na halik)... ikaw ha?! nakaka-rami ka na... (paingos na wika ng dalaga)...
 
Alex: bitin pa nga ako eh, isa pa nga... (ngingisi-ngisin turan ng binata)...
 
Vanessa: tse!!! tara na nga... (sabay labas ni Vanessa sa pinto)...
 
sumunod na rin si Alex at ini-lock ang pad...
 
 
** habang daan**
 
Alex: malalim yata ang iniisip ng kulot ko ah?! (untag nito nang mapansin niya'ng tahimik ang dalaga)...
 
Vanessa: wala, inaantok lang ako... (wika nito na hindi tumitingin sa binata)...
 
Alex: umidlip ka muna... (at ibinaba nito ng kaunti ang sandalan ng upuan ni Vanessa, para maging komportable ito)...
 
Alex: sigurado ka ba'ng inaantok ka lang?!
 
Vanessa: bakit?!
 
Alex: baka kasi may balak ka'ng iwasan ako at hindi na magpakita sakin eh... (anang binata)...
 
hindi umimik ang dalaga...
 
Alex: subukan mong gawin yun, kung kina-kailangang baliktarin at itaktak ko ito'ng earth, gagawin ko mahanap lang kita... (patuloy ng binata)...
 
Vanessa: sira ka talaga... (natatawa'ng turan ng dalaga)...
 
Alex: sira na nga yata ang ulo ko, sa sobra'ng pagmamahal sayo... (litanya niya habang naka-tutok ang mga mata sa kalsada)...
 
Vanessa: umayos ka nga dyan... ang corny mo... hehe!!! (natatawa pero kinikilig na turan niya)...
 
Alex: sino'ng corny ha?! (hininto ang kotse, hindi kalayuan sa bahay nila Vanessa... inilapit nito ang mukha sa dalaga)... ulitin mo nga kung sino'ng corny?! (namumungay ang mga mata na wika ng binata)...
 
Vanessa: ikaw... (sabay tulak niya sa mukha nito, pero hinawakan ni Alex ang kamay niya at tinitigan ito)...
 
Alex: just promise me that you won't leave me baby... (paanas na wika nito sa dalaga)...
 
hindi naman maka-imik si Vanessa, malakas ang kabog ng dibdib niya...
 
Alex: i promise that i fix this up... so i could be your's and your's only, wala'ng kaagaw... (malambing na wika ng binata habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga)...
 
Vanessa: Alex... (anas ng dalaga na halos hindi maka-paniwala na ganito siya kamahal ng binata)...
 
Alex: wag ka na rin pala'ng pumasok sa trabaho, ayoko'ng nahihirapan ka eh... (patuloy na wika niya)...
 
Vanessa: naku, nakakahiya naman sayo, minahal kita kahit hindi ko pa alam nun na mayaman ka... kahit hindi ko pa alam na ikaw pala talaga ang perfect ideal guy ko... (mahabang niya'ng turan)...

No comments:

Post a Comment