Saturday, January 21, 2012

Chapter 3: Suntok Sa Buwan

8am kinabukasan, inihatid ni Alex si Trish sa airport, gamit ang BMW niya... maputik kasi ang passenger seat ng sonata niya...

Alex: ingat ka ha...

Trish: thank's hon, bye... (sabay halik ni Trish kay Alex at pumasok na ito sa departure area)...

tumuloy na si Alex sa opisina niya, marami'ng contract na dapat asikasuhin... out of town pa naman ang assistant niya... habang abala sa ginagawa, bigla na namang lumitaw sa balintataw niya ang naka-ngiting mukha ni Vanessa...

Alex: ano ba namang babae yun at bigla-bigla na lang sumu-sulpot sa utak ko... hindi na tuloy ako makapag-concentrate sa ginagawa ko... (himutok niya, habang palakad-lakad sa loob ng opisina niya)...


** 5:30PM **

natagpuan na lang ni Alex ang sarili sa tapat ng bahay nila Vanessa... nasa loob siya ng kotse niya, hindi niya malaman kung bababa ba siya o ano?! napa-buntunghininga siya...

Alex: tsk!!! ano ba kasi'ng ginagawa ko dito?! (bulong niya sa sarili)...

nang may huminto'ng tricycle at bumababa mula rito si Vanessa... hindi napansin ni Vanessa ang BMW, tuloy-tuloy ito'ng pumasok sa bahay nila... bumaba si Alex sa kotse niya at lumapit sa maliit na sari-sari store...

Alex: pabili nga po ng candy... (hindi kasi siya nagyoyosi)...

hindi niya malaman kung magpapa-kita ba siya kay Vanessa o hindi... nini-nerbyos ba siya?!

Alex: oh my, ngayon lang ako ni-nerbyos ng ganito at sa babae pa... (sa isip niya)...


**maya-maya**

Alex: ahm ma'am, nandyan po ba si Vanessa?! (lakas loob na tanong niya kay aling josie na abala sa pag-aayos ng mga paninda)...

Aling Josie: (inaninaw ni Aling Josie ang lalaki, bago sumagot)... nandyan siya sa loob, iho... aakyat ka ba ng ligaw?! (nanunukso'ng tanong niya)... "aba'y jackpot dito si Kulot pag-nagkataon... gwapo na, may kotse pa"... (sa loob-loob niya)...

Alex: n-naku ma'am, hindi po... kaibigan niya lang ako... (nauutal na wika niya)...

Aling Josie: teka't tatawagin ko lang si Vanessa...

Alex: sige po, salamat...


** samantala **

si Vanessa ay nasa banyo at bad-trip na bad-trip!!! bigla kasi siya'ng nagka-monthly period at natagusan ang pantalon niya... buti na lang skinny jeans na navy blue ang suot niya, kaya hindi halata... bad-trip, kailangan niya'ng isuot ang mga luma'ng panty niya... kasi hindi naman pwede'ng lagyan ng sanitary napkin ang t-back... hehe!!!

Aling Josie: kulot, may bisita ka...

Vanessa: sino ba yun, nay?! si Danilo na naman ba?! paki-sabi masama pakiramdam ko!!! (lalo'ng na bad-trip na tugon niya, mula sa loob ng banyo)...

Aling Josie: hindi si Danilo, gwapo at may kotse, saka ngayon ko lang nakita...

Vanessa: wag niyo nga ako'ng pag-tripan, nay... sino namang gwapo at may kotse ang maghahanap sakin?!

Aling Josie: hay naku, lumabas ka na lang dyan at nang malaman mo kung sino... (bumalik na siya sa tindahan)...


bigla'ng kinabahan si Vanessa nang matanaw niya mula sa pintuan ang lalaki na naghahanap sa kanya...

Vanessa: si Alex?! bakit kaya?! (tanong niya sa sarili)...


ni-nerbyos lalo si Alex nang matanaw si Vanessa na papalapit... naka-shorts na pink ito na hanggang gitna ng hita at puti'ng sleeveless blouse... "long legged at ang kinis" sa loob-loob niya...

Alex: h-hi Vanessa... (alanganing bati niya dito)...

Vanessa: (kumunot ang noo nito at nagtanong)... bakit?! may kailangan ka?! (salubong pa rin ang kilay na tanong niya)...

Alex: ahmm, ano kasi, pwede ba ako'ng magpa-sama sa mall?! (natatarantang tanong nito)...

Vanessa: mall?! ano'ng gagawin natin dun?! (naka-taas ang kilay na tanong naman ng supladita'ng kulot)...

Alex: ahmm, kasi may bibilhin sana ako'ng regalo... ahmm, para sa lola ko, gusto ko sana'ng samahal mo ako'ng pumili para may female taste naman at sure ako na magugustuhan niya... (pagsisinungaling niya)...

Vanessa: bakit ako?! wala ka ba'ng kaibigang babae or girlfriend kaya?! (mataray na sagot ni kulot)...

Alex: nasa London ang girlfriend ko, kaya hindi niya ako masasamahan, pasensiya na... (malungkot na tugon niya at akmang tatalikod na nang...)

Vanessa: sige, ipagpaalam mo ako kay nanay... (ngingiti-ngiti pa ang babae'ng kulot)...

Alex: m-ma'am... (hindi pa man nakakapag-salita)...

Aling Josie: basta ba ipapangako mo'ng ibabalik mo ng buo ang anak ko... walang labis, walang kulang...

Alex: opo ma'am, salamat po... (alanganin ang ngiti ng nahihiyang hunk)...

Vanessa: sige, magpapalit lang ako ng damit... (nai-excite habang papasok ng bahay)...


napa-tulala si Alex paglabas ni Vanessa, tokong na kulay brown ang suot nito... 2 inch ang taas ng sandal's na naka-pulupot sa bukung-bukong ang strap at itim na spaghetti strap na blouse, ang kulot na buhok ay naka-tali... napaka-simple, wala'ng make-up, lip balm nga lang yata ang ipinahid sa natural na mapupula'ng labi nito... pero ang lakas ng dating nito sa kanya, lalo't na-emphasize ang maliit na waist line nito... makurbang hips, maumbok na pang-upo at malulusog na dibdib... "nakaka-turn on"... (sa isip niya)...

Alex: ma'am, alis na po kami...

Aling Josie: sige, ingatan mo yan ha?! virgin pa yan!!! (tatawa-tawang turan niya, nakabusangot na lumingin si Kulot sa kanya)...

Vanessa: nanay talaga, ibisto daw ba ako?! tara na nga Alex...


nag-martsa papunta sa BMW... ipinag-bukas siya ng pinto ni Alex, nang maka-sakay na sila...

Vanessa: iba na naman ang tsekot natin ah?! wag mo'ng sabihing sa kumpare mo na naman ito?!

Alex: sa kanya nga ito, may auto shop kasi siya, ako ang mekaniko... (pagsisinungaling niya)...

Vanessa: talaga?! ang gwapo mo namang mekaniko... (napa-tutop sa bibig si Kulot)...

Alex: so, you find me handsome uh?! (ngingisi-ngisi)...

Vanessa: hmmp!!! oo na, kailangan ko pa ba'ng i-deny, eh sinabi ko na... (naka-ingos na wika niya)...

Alex: haha!!! eh, bakit ka galit?! (hindi nawawala ang ngiti sa labi)...

Vanessa: bakit naman ako magagalit?! (salubong ang kilay na sagot niya)...

iiling-iling na naka-ngiti pa rin si Alex habang nagmamaneho... katahimikan...

Alex: how old are you?!

Vanessa: bakit gusto mo'ng malaman?! (mataray na sagot niya)...

Alex: gusto ko lang, masama ba?!

Vanessa: 23... (matipid na tugon ni Kulot)...

Alex: oh, but you look younger than your age... (pilyo ang ngiti)...

Vanessa: hmmp!!! nambola ka pa dyan... (hindi pa rin ngumingiti)...

Alex: tsk, tsk!!! suplada mo naman, buti nakaka-tagal sayo ang boyfriend mo?! (isang paraan niya para malaman kung may boyfriend na ito)...

Vanessa: wala ako'ng boyfriend...

Alex: ah, kaya pala... (pero sa loob-loob niya, napa-yes siya, natutuwa siya sa nalaman niya)...

Vanessa: ano'ng kaya pala?!

Alex: wala... hehe!!! (nanunudyo ang ngiti niya)...


** nakarating na sila sa mall **

Alex: kain muna tayo?!
 
Vanessa: bahala ka...
 
Alex: (inilahad ni Alex ang kanya'ng kamay kay Vanessa)... hindi ba tayo pwede'ng maging mag-kaibigan?! (naka-ngiting turan ng binata)...
 
Vanessa: (napa-tingin si Vanessa sa mga mata ni Alex at nalaman niya na sincere naman ito, kaya inabot niya ang kamay nito)... sige (matipid ang ngiti'ng wika niya)...
 
Alex: thank's, san mo gusto'ng kumain?!
 
Vanessa: kahit saan, hindi naman ako maselan eh...
 
Alex: okay, gusto ko ng pizza... sa pizza house tayo...
 
 
** habang kumakain sila **
 
Alex: alam mo ba'ng maganda ka?!
 
Vanessa: (nag-blush naman si Vanessa)... wag ka nga'ng ganyan, baka maniwala ako, sige ka... (nakikipag-biruang turan niya sa binata)...
 
Alex: totoo yun, promise... (naka-taas pa ang kamay na wika niya)...
 
Vanessa: oo na, wala ako'ng pera eh... kaya salamat na lang... hehe!!!
 
Alex: ahmm, can i call you NESS?! (malambing na wika niya)...
 
Vanessa: sure, why not?! (napapa-ngiti)...
 
Alex: Ness, pwede ba tayo'ng manood ng movie?! (medyo nag-aalangan siya)...
 
Vanessa: huh?! date ba ito?! (natatawang wika niya)...
 
Alex: bihira na kasi ako'ng maka-panood ng sine eh... gusto ko sana'ng panoorin ung JOHNNY ENGLISH... (parang nagsusumamong wika niya)...
 
Vanessa: si Mr. Bean?! i like him, tara... (nagmamadaling nagpunas ng bibig si Kulot)...
 
Alex: sige, take-out na lang natin ito'ng natirang pizza...
 
inilalayan ni Alex si Vanessa papasok sa sinehan, hanggang maka-upo sila sa balcony...
 
Vanessa: lakas ng aircon...
 
Alex: giniginaw ka?! sige, suot mo muna ito'ng jacket ko...
 
Vanessa: salamat, bango ng jacket mo... (naka-ngiting turan nito)...
 
Alex: mabango ba?! magaling kasi ako'ng maglaba...
 
Vanessa: bakit ang lambot ng kamay mo?! (hindi naiwasang itanong ni Kulot)...
 
Alex: washing machine gamit ko...
 
 
naka-tutok ang mga mata ni Vanessa sa screen, habang si Alex ay malayang pinagmamasdan ang dalaga...
 
Alex: sana pwede ko siya'ng yakapin... (sa loob-loob niya)...
 
kinuha ni Alex ang kamay ni Vanessa...

Alex: lamig ng kamay mo... (
napapitlag naman ang dalaga)... giniginaw ka pa rin, pwede kita'ng yakapin... (bulong niya sa taenga ng dalaga)...
 
nagtayuan ang mga balahibo ng dalaga sa ginawa ni Alex...
 
Vanessa: kakagulat ka naman... (abot ang kaba)...
 
Alex: sorry, ayaw mo ba?!
 
Vanessa: sige, basta behave ka lang ha?! (si Kulot, medyo nai-excite)...
 
ipinatong ni Alex ang kamay niya sa balikat ng dalaga, napapitlag ito... halata'ng hindi sana'y, kinabig niya ito palapit sa kanya, naka-sandal ang ulo ng dalaga sa dibdib ng binata... kaya, langhap niya ang mabango'ng buhok nito...
 
si Vanessa naman ay halos hindi maka-galaw, first time niya'ng maranasan na maging intimate ng ganito sa isang lalaki... naiilang siya, pero she feels secure...
 
Alex: giniginaw ka pa?! (tanong niya sa dalaga)...
 
Vanessa: medyo hindi na...
 
Alex: okay ka lang?!
 
Vanessa: okay lang... (tipid na tugon ni Kulot, pero deep inside, nag-eenjoy siya)...
 
Alex: ness?!
 
Vanessa: hmmm...
 
Alex: okay lang ba kung madalas tayo'ng lumabas?!
 
Vanessa: ikaw, kung hindi makaka-abala sayo...
 
Alex: i just want to know you better...
 
Vanessa: sure, gusto rin kita'ng makilala ng husto at maging BFF kung okay lang sayo...
 
Alex: BFF?!
 
Vanessa: best friend forever...
 
Alex: gusto ko more than forever... (naka-ngiting wika ng binata)...
 
Vanessa: may girlfriend ka naman, hindi kita pwede'ng maging BFF... (malungkot na turan ni Kulot)...
 
Alex: eh ano naman, basta BFF mo na ako ha?! (parang bata'ng wika niya)... ness, pwede ko ba'ng kunin ang # mo?!
 
Vanessa: nyee!!! eh di nawalan ako ng # kung kukunin mo... (nabibiro'ng pa-cute niya)...
 
Alex: haha!!! (lakas ng halakhak)...
 
natapos ang palabas na wala sila'ng naintindihan... nasa kotse na sila nang may maalala si Vanessa...
 
Vanessa: teka, akala ko ba ibibili mo ng regalo ang Lola mo?!
 
Alex: oo nga noh?! kaya lang sarado na ang department store... next time na lang...
 
 
nakarating na sila kila Vanessa, bababa na siya nang pigilan siya ni Alex...
 
Alex: teka, yung # mo?!
 
Vanessa: oo nga pala... (at ibinigay niya ang cellphone # niya dito)...
 
Alex: thank's for the wonderfull time...
 
Vanessa: thank's din BFF!!! (naka-ngiting wika ng dalaga na lalo'ng ikina-ganda nito sa paningin ni Alex)...
 
Alex: yes BFF, goodnight...
 
Vanessa: night, ingat ka...
 
at hinintay ni Alex na maka-pasok si Vanessa sa loob ng bahay... bago niya pinasibad ang kotse na may ngiti sa mga labi... ang saya niya, para siya'ng teenager na naka-date ang crush niya...

No comments:

Post a Comment